Calendar
Inaapula ng mga pamatay sunog ang apoy na tumutupok sa isang lumang bahay sa Sampaloc, Manila.
Sunog naglaglab sa lumang bahay, mga residente nabulabog
NABULABOG ang mga residente ng sumiklab ang sunog sa isang bahay sa 637 Alindana St,Brgy 535, Zone 53, Sampaloc Manila, Martes ng gabi.
Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog bandang 9;15 ng gabi mula sa bahay ng isang alyas ‘Antonio’, 65, may asawa, driver at nakatira sa No. 637 Alindada St.
Umakyat sa unang alarma ang sunog bandang 9:18 ng gabi.
Base din sa report ng BFP, nakatanggap ng tawag si Duty STOC PSSg Ryan Clifford Salazar mula sa 911 tungkol sa sunog.
Mabiis na rumesponde ang mga pamatay sunog sa pangunguna ni FSI Ronald Lim, ng Sampaloc Fire Station..
Ayon sa saksi, nakaamoy siya ng nasusunog na kawad ng kuryente at napansin niyang may umuusok sa likod ng kanilang tirahan. Kaagad niyang ipinaalam sa kanyang asawa ang tungkol sa kanyang napansin. Sinipa ng huli ang pinto at pagkatapos ay biglang sumambulat ang malaking apoy.
Agad nagtungo sa lugar ang mga kapulisan sa pamumuno ni PLT. Cristopher Ferrer kasama sina PCpl Hector Advincula at Pat Emmanuel Fernandez, na nakatalaga sa Calabash PCP-Sampaloc Police Station upang ikordon ang lugar at iwasan ang nakawan.
Ayon kay FO1 Roel DueÑas, idineklarang kontrolado ang sunog dakong 9:55 p.m. at fire out bandang 10:09 p.m.
Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. Wala namang idineklarang nasawi.

