Fire

Sunog sa Las Piñas 4 utas

Edd Reyes Apr 7, 2025
16 Views

APAT na miyembro ng pamilya, kabilang ang 3-anyos na babae, ang nasunog ng buhay sa sunog na tumupok sa kanilang tahanan noong Lunes sa Las Pinas City.

Sa ulat ng Las Pinas Bureau of Fire Protection (BFP), unang natagpuan ang bangkay ng 38-anyos na ama malapit sa kusina habang na-trap naman sa ikalawang palapag ang 35-anyos na ina, pati na ang 17-anyos na dalagita at tatlong taong gulang na batang babae nilang mga anak.

Sa pahayag ng kapatid na lalaki ng nasawing ama, una nilang iniligtas ang 62-anyos nilang ina nang sumiklab ang apoy dakong ala-1:41 ng madaling araw

Tinangka pa ng kanyang utol na iligtas ang kanyang mag-iina na natutulong sa ikatlong palapag pero bumagsak na ang mezzanine floor ng kanlang bahay sa Bernabe Compound, Brgy. Pulang Lupa Uno.

Walang ibang nadamay na bahay sa sunog na umabot lamang sa unang alarma matapos maapula dakong alas-2:37 ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga arson investigators ang dahilan ng sunog na tumupok sa tinatayang P600,000 halaga ng mga ari-arian.