Calendar
Sunog sa Parola 2,134 pamilya naabo mga bahay


MAHIGIT 2,134 pamilya o 7,123 katao ang naabo ang bahay sa sunog sa Gate 46, Parola Compound, Barangay 275, Zone 25, Binondo, Manila, noong Sabado.
Nanatili ang halos lahat ng biktima sa Delpan covered court at binibigyan ng tulong ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).
Nagpadala na rin ng food boxes ang Department of Social Welfare and Developmet (DSWD).
Kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian at MDSW Director Jay Dela Fuente sa namahagi ng ready-to-eat food packs sa mga biktima ng sunog.
Patuloy ang koordinasyon ng MDSW at DSWD upang matiyak ang maagap na pag-abot ng tulong at suporta sa mga pamilyang apektado ng sakuna.
Nagsimula ang sunog bandang alas-3:05 ng hapon na umabot ng Task Force Charlie.
Dinalaw ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Vice Mayor Che Atienza ang mga biktima ng sunog.
Base sa paunang imbestigasyon, nasa 1,266 na bahay ang natupok ng apoy.

