karera Super Swerte: Super horse sa PHILRACOM Classic sa Naic, Cavite.

Super Swerte walang nakapigil

Ed Andaya Mar 22, 2022
374 Views

WALA ng iba kundi si Super Swerte.

Ipinamalas ng super horse na si Super Swerte ang kanyang angking bilis upang talunin ang matagal ng karibal na si Boss Emong at manalo sa P2.5-million Philracom Classic sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Tulad ng inaasahan ng bayang karerista, naging kapanapanabik ang naging labanan ng dalawang premyadong kabayo sa bansa mula simula hanggang matapos ang 1800-meter race.

Inihantulad pa ang nasabing karera nina Super Swerte, na sinakyan ni jockey Jesse Guce, at Boss Emong, na nirendahan ni jockey Jonathan Hernandez, sa makasaysayang horseracing rivalry nina War Admiral at Seabiscuit.

Subalit sa huli, si Super Swerte na progeny nina Art Moderne-Faster Tapper progeny at pagma may-ari ni businessman sportsman Leonardo “Sandy” Javier Jr., ang namayani at nakapag-uwi ng P1.5-million prize.

“May angking tulin naman si Super Swerte sa gate kaya minabuti namin ni Sir Sandy na i-take advantage yung tulin na yun at huwag pabayaan si Boss Emong na mai-dictate and pace ng karera,” pahayag ni Super Swerte trainer Ruben Tupas

Dahil dito, wala na ding magiging winner ng Triple Cup, na kung saan may nakalaan din sanang P1.5-million bonus.

Pumangalawa si Boss Emong, na nakakuha ng P500,000, kasunod si War Cannon, na nakasungkit ng P250,000 third prize at Isla Puting Bato, na may P125,000 para sa fourth place.

Ang time ng nasabing karera ay 13′-23′-24-23′-28′ para sa total na 1:53 sa 1800-meter journey.

Sa Division II, ipinagpatuloy ni Spandau Ballet (Stately Victor out of Baywatch Girl bred by the SC Stockfarm) ni Mark Ryan Ponce’s ang kanyang winning ways matapos masapawan si Batang Cabrera sa final stretch.

Ang panalo ay nagkakahalaga ng P450,000 para kay Spandau Ballet, na una nang nagwagi sa 2022 Philracom Commissioners’ Cup Division III.

Si Batang Cabrera ay nag-uwi naman ng P168,750.

Sina Magtotobetski at Tocque Bell ang pumangatlo at pumang-apat na may kalakip na P93,750 at P37,500.premyo

Ang final time ng race ay 1:55 na may clips na 13′-23-24′-25′-28′.

Samantala, ginulat ni sixth pick Toy For The Bigboy (Lim Expesive Toys-Baywatch Girl bred by SC Stockfarm) ni Fredi Santos ang mga kalaban upang manalo ng four lengths sa Division III.

Nanalo si Toy For The Bigboy.ng P300,000.

May kabuuang 1:54.6 oras (13′-23′-24′-25′-27′).para sa karera.

Sumunod sina Hookbung Dagat, La Liga Filipina, Hook On D Run, Fortissimo at Victorious Colt, na may P100,000, P50, 000, P25,000, P15,000 at P10,000, ayon sa pagkasunod

“This year’s Philracom Classic lived up to its name and will definitely be viewed over and over by the bayang karerista as a duel to end all duels. But of course, one has to win. Congratulations to the winners of our three major events, Super Swerte, Spandau Ballet and Toy For The Bigboy,” pahayag ni Philracom Chairman Reli de Leon.

“The excitement that horseracing gives the public is unparalleled as evidenced by the cheers that went on. On that, I thank the bayang karerista for their unending support and rest assured that more exciting races are in store in the near future,” dagdag pa ni De Leon.