PAGASA

Super typhoon lalabas agad ng PAR

108 Views

AGAD umanong lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo na may international name na Nanmadol.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) inaasahan na magiging super typhoon sa loob ng PAR ang bagyo.

Biyernes ng hapon inaasahang papasok ng PAR ang bagyo at kinagabihan o Sabado ng umaga ay lalabas na ito ng PAR.

Ang bagyo ay bibigyan ng lokal na pangalang Josie.

Umuusad ang bagyo sa bilis na 10 kilometro bawat oras. May hangin ito na umaabot sa 165 kilometro bawat oras ang bilis malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 205 kilometro bawat oras.

Hind man inaasahan na magla-landfall, palalakasin umano ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa bansa.