Alejandro

Supertyphoon Mawar pinaghahandaan

126 Views

Nagsagawa ng paghahanda ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kaugnay ng pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng supertyphoon Mawar.

Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Raffy Alejandro IV patuloy ang isinasagawang pagbabantay ng OCD at mga regional offices nito kasabay ng pakikipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Naka-alerto na rin umano ang OCD sa eastern seaboard ng bansa na inaasahang maaapektuhan ng bagyo.

Bagamat hindi umano inaasahan na magla-landfall sa bansa ang bagyo palalakasin naman nito ang Hanging Habagat na magdadala ng malakas na hangin at pag-ulan.

Sinabi ni Alejandro na nakapuwesto na rin ang mga relief goods at iba pang bagay na kakailanganin sa mga maaapektuhang lugar.

Sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo ay papasok ng PAR sa Biyernes ng gabi o umaga ng Sabado.

Bibigyan ito ng lokal na pangalang Betty.