Rodriguez

Suporta kay BBM bumuhos

455 Views

NAGPAHAYAG ng pagsuporta kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang iba’t ibang grupo na naniniwala na sa kanyang pamumuno ay makababangon muli ang Pilipinas.

Si Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Marcos ang dumalo sa pagtitipon na isinagawa sa Pasig City noong Linggo dala ang mensahe ng pagkakaisa.

Hinimok ni Rodriguez ang mga dumalo sa pagtitipon na tulungan si Marcos at ang running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagsasaayos ng bansa.

Upang ipakita na seryoso ang kanilang pagsuporta, ang lider ng iba’t ibang grupo ay pumirma sa isang manifesto. Ang pagpupulong ay inorganisa ni Col. Erik Bautista, dating hepe ng Makati Public Safety Department (MAPSA).

Kasama sa mga grupo na dumalo sa pagpupulong ang MATRIFED, isang asosasyon ng tricycle driver; United Transport Federation of Makati (UTFM) asosayon ng mga jeepney operator at drayber; Pedicab Association; Knight Riders Nation (KRN); at market vendors association.

Dumalo rin sa pagpupulong ang mga lider ng Alpha Phi Omega Makati Chapter; Tau Gamma Phi Makati Chapter; Alpha Kappa Rho Makati Chapter; Guardians Makati Chapter; ASAP Makati Chapter; Lex Leonum Fraternitas, isang grupo ng mga volunteer lawyer at iba pa.