Martin

Suporta ng Kamara kay PBBM tiniyak ni Speaker Romualdez

135 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang buong suporta ng Kamara de Representantes kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa hangarin nito na bigyan ng maliwanag na hinaharap ang mga Pilipino.

Kasama si Speaker Romualdez sa pagharap ni Pangulong Marcos at kanyang delegasyon sa pakikipagpulong sa Fil-Am community sa Ritz-Carlton Hotel sa Washington, D.C. matapos ang isinagawang bilateral meeting kay US President Joe Biden.

“The House of Representatives will continue working hand-in-hand with President Marcos to advance his legislative, policies, and initiatives geared towards job creation, improved business climate, and a better life for all Filipinos,” ani Speaker Romualdez.

Pumunta si Speaker Romualdez sa Amerika noong kalagitnaan ng Abril upang ilatag ang preparasyon para sa opisyal na pagbisita roon ni Pangulong Marcos.

“This is our way of thanking all our overseas Filipino workers for their invaluable contributions to the economic growth of our country and for showcasing to the world the solid work ethic, talent, and the good nature of all Filipinos,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sa kanyang talumpati, kinilala at pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga overseas Filipino workers sa kanilang ipinadadalang remittance na nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang positibong resulta ng pagpupulong nina Marcos at Biden, partikular sa pagpapadala ng Amerika ng presidential trade and investment mission sa Pilipinas ay inaasahang magreresulta sa pagdami ng mapapasukang trabaho at paglago ng ekonomiya.

“The prospect of a presidential trade and investment mission fills the nation with hope and optimism for a brighter future,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez nakahanda ang Kamara na ipasa ang mga panukalang batas na kailangan para sa pagpasok ng mga pamumuhunan mula sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa US.

“We have already manifested our solid commitment to support the prosperity agenda of President Marcos by passing the necessary measures to help establish the Philippines as an ideal destination for foreign investments. We will continue to do so,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Bago nag-adjourn ang sesyon noong Marso, natapos na ng Kamara ang 23 sa 31 panukala na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bilang prayoridad nitong maisabatas.

Ang nalalabing walo ay nasa advance stage na ng deliberasyon.

Kasama sa mga prayoridad ng LEDAC na naaprubahan na ng Kamara ang E-Governance Act / E-Government Act, Internet Transaction Act / E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer (BOT) Law, at Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery.

Bukod sa mga panukala na prayoridad ng LEDAC, sinabi ni Speaker Romualdez na mayroong 21 panukala na binigyan ng prayoridad na aprubahan ng Kamara. Apat sa mga ito ang Maharlika Investment Fund bill, Ease of Paying Taxes Act, LGU Income Classification, at pag-amyenda sa Universal Health Care Act.

Naaprubahan na rin ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na nagpapatawag ng constitutional convention (con-con) at ang House Bill 7352 na magpapatupad nito.