Calendar
Suporta ng Kamara sa AFP di natitinag — Speaker Romualdez
TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang hindi natitinag na suporta ng Kamara de Representantes sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng pagpasa ng mga makabuluhang batas.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na kailanman hindi makakalimutan ang mga sakripisyo ng mga sundalo para mapanatili ang katatagan at kapayapaan sa bansa.
Ginawa ng House Speaker ang pahayag sa ginanap na Luzon leg House of Representatives-Armed Forces of the Philippines (AFP) fellowship na ginanap sa Clark Freeport sa Angeles City.
Sinabi ni Speaker Romualdez ang Kamara ay naging maagap sa pagtiyak na ang sandatahang lakas ay may sapat na kagamitan upang pangalagaan ang ating bansa, habang binibigyang-priyoridad ang kapakanan ng mga retiradong tauhan at maging sa mga active-duty personnel.
Dagdag pa ni Romualdez ilang mga panukalang batas na ang inaprubahan ng House of Representatives na siyang patunay na binibigyang halaga ang noble service ng mga unipormadong personnel.
Ipinunto ng Speaker na mahalaga at kritikal ang papel ng AFP sa pagpapanatili sa katatagan ng bansa.
Ipinagmalaki ni Speaker Romualdez na inaprubahan ng Kamara ang MUP Pension System at ang panukalang nagsusulong na itaas ang combat duty pay.
Pinuri ni Romualdez ang AFP sa kanilang pagiging propesyunal sa trabaho at ginagampanan ng maayos ang kanilang mandato.