Calendar
SUPORTA NG KONGRESO PARA SA PAGPAPATUPAD NG TNVR HININGI NG HAWK
Ang Heart for Animal Welfare sa Kongreso (HAWK) ay humihiling ng suporta ni Speaker Faustino Dy III para sa pagpapatupad ng programang Trap, Neuter, Vaccinate, and Return (TNVR) para sa mga ligaw na aso at pusa sa loob ng compound ng House of Representatives. Ang TNVR ay kinikilala sa buong mundo bilang pinakamabisa, makatao, at napapanatiling paraan ng pamamahala sa populasyon ng mga ligaw na hayop at sa pagpuksa ng rabies.
Sa buong bansa, dumarami ang mga paaralan, institusyon ng pamahalaan, at mga corporate campus na nagpapatupad ng TNVR bilang responsableng alternatibo sa pagkukulong ng mga ligaw na hayop sa mga city pound, kung saan marami sa kanila ang nahaharap sa euthanasia.
Matatag ang paninindigan ng HAWK na ang ganitong inisyatiba ay magpapatibay sa prinsipyong ang malasakit sa mga hayop ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng isang progresibo, responsable, at mapagmalasakit na lipunan.
Sa larawan kasama si Speaker Dy ay ang mga opisyal ng HAWK at kapwa tagapagtaguyod ng kapakanan ng hayop (mula kaliwa pakanan): Kenneth Nicolas, auditor; Atty. Mimi Sandoval, senior vice president; Lilo Antonio, presidente; Mich Caguioa; Atty. Cecile Tresvalles; Jessica Berdan; at Jen Ignacio, PRO.

