Tarriela

Suporta ng maraming Pinoy sa confi funds realignment pinatunayan

Mar Rodriguez Nov 8, 2023
287 Views

Ng resulta ng OCTA survey

PINATUNAYAN ng resulta ng “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research na tama ang desisyon ng Kamara de Representantes na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency sa ilalim ng panukalang budget para sa 2024, ayon kay Occidental Mindoro Lone District Rep. Leody “Odie” Tarriela.

“We in the House of Representatives welcome the results of the Tugon ng Masa survey by OCTA Research. It fortified our belief that the House leadership did the right thing when it removed the confidential funds of some civilian agencies and transfered them to agencies that have a direct hand in protecting our interests in the West Philippine Sea (WPS),” sabi ni Tarriela

“As lawmakers, we serve the people and are answerable to the people. With 57 percent of adult Filipinos agreeing with our move, it tells that we echoed the pulse of the majority. And that’s what matters in the end, not rhetoric or propaganda,” sabi pa nito.

Tinukoy ni Tarriela na ginawa ang survey sa pagitan ng Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, kung saan naging maingay ang usapin ng confidential funds.

Kabuuang 1,200 na indibidwal ang isinalang sa naturang survey.

“We stand behind House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez’s intention to protect what is ours in the WPS, and we will use the full resources of government to do this. That it is the patriotic way to handle our challenges at sea,” sabi pa niya.