Calendar
Suporta ng Simbahan sa Anti-Dynasty bill pinuri
Pšš”šØš„š ni 1-TAHANAN Party List Rep. Nathaniel Oducado ang panawagan ni Bishop Gerardo Alminaza ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) para sa agarang pagpasa ng Anti-Dynasty bill.
Binigyang diin ng kongresista na ang tinatawag na “dynastic politics” ang isa sa mga dahilan kung bakit lumaganap ang korapsiyon kabilang dito ang plunder, nepotism, graft at ang talamak na suhulan sa ilang ahensiya ng pamahalaan.
Ikinagagalak ni Oducado na lumahok na rin ang Simbahan sa panawagan na maipasa ang Anti-Political Dynasty Bill.
Sinabi ni Bishop Alminaza na matagal na umanong hawak ng ilang political clan ang kapangyarihan kung saan ang mga bagong politiko naman ay mabilis na napapalawak ang kanilang impluwensiya sa pamamagitan ng pag-upo ng kanilang mga kamag-anak sa iba’t-ibang posisyon.
Sinusuportahan ni Oducado ang paniniwala ni Bishop Alminaza na napakahalaga ng Anti-Political Dynasty Law para maisulong ang tunay na reporma sa bansa.
Samantala, dinaluhan ni Oducado ang deliberasyon ng House Committee on Basic Education and Culture kung saan tinalakay ang mga mahahalagang panukalang batas para mapalawig ang EDCOM II, paglikha ng EDCOM III at ang pag-amiyenda sa Adopt-a-School Act of 1998.
Nabatid pa sa kongresista na bahagi rin ng ginanap na talakayan ang panukalang batas kaugnay sa student allowance na naglalayong madagdagan ang suporta sa mga mag-aaral.

