BBM1

Suporta sa mga atleta tiniyak ni PBBM

Mar Rodriguez Oct 26, 2023
310 Views

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na susuportahan ng gobyerno ang mga atletang Pilipino at lilikha ng detalyadong plano kung papaano magiging moderno ang mga pasilidad para sa kanilang pagsasanay.

Sa isang seremonya na dinaluhan ng mga manlalarong Pilipino na lumahok sa 19th Asian Games 2023, sinabi ni Pang. Marcos na pinahahalagahan ng kanyang administrasyon ang paglinang ng sports na isang mahalagang bahagi umano ng lipunan.

“Marami na rin tayong nagawa. Ngunit, aasahan ninyo dadagdagan pa natin ang ating suporta para sa ating mga atleta at sa susunod makakaramdam naman tayo ng mas maganda pang resulta sa ating mga international competition,” ani Pang. Marcos.

“I said this when I addressed our Southeast Asian Games and ASEAN Para Games medalists: We know and understand that for our athletes to succeed in these competitions, they need all the help that they can get, especially from their government,” sabi pa nito.

Upang maabot ang layuning ito, sinabi ni Pang. Marcos na ipatutupad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Five-Year Sports Development Plan for mula 2023 hanggang 2028 para magtugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipinong atleta.

Tutulungan din umano ang mga state universities and colleges (SUCs) upang maayos ang kanilang mga pasilidad at hihingin ang tulong ng pribadong sektor para mapunan ang iba pang pangangailangan ng mga manlalaro.

“The government established the National Academy of Sports to promote the development of the athletic skills and talents of students through a secondary education program,” ani Pang. Marcos.

Sinabi ng Pangulo na dapat ding tulungan ang mga manlalaro na na-injured upang muling makalahok sa kompetisyon ang mga ito.

“Sa ating mga atleta, ito, ganito ang hamon ko sa inyo: Keep aspiring, keep believing, keep working. Spare no effort to unlock your full potential and be the best versions of yourselves,” sabi pa ni Pang. Marcos.

Ang Pilipinas ay nakasungkit ng 18 medalya sa katatapos na Asian Games.