Calendar
Susi sa bagong tanggapan ng MCHPC ipinagkaloob na sa mga mamamahayag
PORMAL ng ipinagkaloob ni Manila City Administrator Atty. Eduardo “Wardee” Quintos XIV ang susi ng bagong tanggapan ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) Lunes ng umaga sa tanggapan ng tagapangasiwa ng lungsod.
Kasama ni Jocelyn Tabangcura Domenden, ang pangulo ng MCHPC, ang kanyang mga opisyales at miyembro nang tanggapin ang susi sa bago nilang tanggapan sa Room 213 na nasa ikalawang palapag ng gusali ng City Hall, katabi ng Office of the Vice Mayor.
Lubos naman ang pasasalamat na ipinaabot ng mga opisyal at miyembro ng pinakamatagal ng samahan ng mga mamamahayag na nangangalap ng balita sa City Hall kina Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Chi Atienza, City Administrator Atty. Quintos, Chief of Staff Cesar Chavez at Secretary to the Mayor Letlet Zarcal.
Nauna ng naipangako ni Mayor Domagoso sa grupo ng MCHPC na ililipat at bibigyan sila ng bago nilang tanggapan upang magamit ng Special Mayor’s Action and Response Team (SMART) ang kanilang press office sa mezzanine floor ng unang palapag ng gusali, sa itaas lang ng palikuran ng lalaki.