Suspek Ang suspek matapos maaresto ng mga pulis sa pamumuno ni Police Major Fredwin Sernio (kaliwa). Kuha ni JONJON C. REYES

Suspek na puno ng tattoo inaresto dahil sa kasong pagdedo

Jon-jon Reyes Jul 31, 2025
435 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3 ang isang lalaki na puno ng tattoo sa dibdib dahil sa kasong murder sa Moriones at Masinop Sts., Tondo, Manila noong Miyerkules.

Ang suspek, si alyas Dioquino, 26, residente ng Pristina Expansion sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus, Cavite, ayon kay Police Major Fredwin Sernio.

Nilapitan ng mga pulis ang suspek bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Rocille Aquino Tambasacan, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 21 Imus, Cavite.

Walang inilaang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.