Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Calendar
Provincial
Suspek na tulak laglag sa Antipolo drug bust
Jojo Cesar Magsombol
Oct 22, 2024
513
Views
ISANG lalaki ang arestado sa drug buy-bust ng mga tauhan ng Antipolo City police noong Lunes sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.
Inaresto si alyas Bay, 30, matapos maaktuhang nagbenta ng P500 halaga ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska rin sa kanya ang tatlong sachets na may lamang 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P120,000.
Nakapiit sa Antipolo City custodial facility ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.
Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Nagtatag ng Gawad Kalinga inaresto sa Bulacan
May 30, 2026
Pandesal vendor utas sa pamamaril
May 30, 2026
Kalsada sa Naujan ipinasemento; biyahe giginhawa na
May 30, 2026

