Shabu

Suspek na tulak nasakote sa P1.3M shabu

Edd Reyes Sep 4, 2026
188 Views

ARESTADO ang 40-anyos na suspek na tulak ng makuhanan ng mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu noong Huwebes sa Taguig City.

Nahuli ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) director P/BGen. Glenn Oliver Cinco si alyas Alex ng kumagat sa pain dakong alas-10:50 ng gabi sa C6 Road, Brgy. Lower Bicutan.

Nakumpiska kay alyas Alex ang humigit-kumulang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Taguig City Prosecutor’s Office.