Posas

Suspek na tulak swak sa selda

Gil Aman May 12, 2024
45 Views

CAMP MGen Licerio Geronimo, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal–Arestado ang isang pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng P1.5 milyon halaga ng shabu sa Brgy. Pag-asa Binangonan, Rizal noong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Charlie, 40.

Sa ulat na natanggap ni P/Col. Felipe Maraggun, provincial director Rizal police, nahuli ang suspek na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 4-A matapos magbenta ng isang pakete ng may lamang hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang 221.94 gramo ng shabu na may halagang P1,509,192, 1 revolver, 4 ng bala, 1 belt bag, 1 cellphone at 2 marked money na P1,000.

Nakapiit ang naarestong suspek sa Binangonan Custodial Facility at nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o Firearms Law.