Suspek sa gunrunning timbog

Bernard Galang Jun 28, 2025
207 Views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Arestado noong Biyernes ang lalaki na suspek sa ilegal na bentahan ng baril at bala sa Brgy. Paradise, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Naaresto ang suspek na si alyas Den, ayon sa ulat kay PRO-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., ng 301st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 3, sa koordinasyon ng San Jose del Monte City police sa Brgy. Paradise, San Jose del Monte City, Bulacan.

Nakuha sa suspek ang isang cal .38 revolver, tatlong bala, marked money at isang plateless na motorsiklo.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Pinuri ng hepe ng PRO-3 ang mga pulis sa pagdakip sa suspek.

“Ang operasyong ito ay isa pang malinaw na pagpapakita ng aming hindi natitinag na kapasiyahan na pigilan ang sirkulasyon ng mga loose firearms sa Central Luzon,” pahayag ni Penones.