Posas

Suspek sa holdup, carnap nakarma, naakasidente, huli

12 Views

ARESTADO ang isang suspek sa pag-carnap ng taxi matapos masangkot sa aksidente sa Pililla, Rizal, 11:55 p.m. nitong October 29, 2024 sa Aurora Subdivision, Bgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Alyas Mark, 39, at residente ng Bgy. San Isidro Angono.

Sa report ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director, isang 62-anyos na biktimang taxi driver ang nag-report sa istasyon ng Angono Municipal Police Station tungkol sa pag-carnap sa minamaneho nitong sasakyan at paghold-up sa kanya.

Ayon sa report ng biktima, nag-book ang suspek mula sa Aurora Boulevard Quezon, City at nakiusap na ihatid ito sa Angono.

Agad umanong tinutukan ng baril ng suspek ang biktima at nag-declare ng holdup.

Natangay mula sa biktima ang P1,500 na cash, ID at ang kanyang minamanehong taxi.

Dakong alas 4:30 na ng umaga ng October 30, 2024 naireport ng biktima sa nasabing himpilan ang krimen.

Agad nagsagawa ang pinagsamang pwersa ng Angono MPS, Binangonan MPS, Cardona MPS, Morong MPS, Baras MPS, Tanay MPS, Pililla MPS at Rizal Provincial Mobile Force Company ng malawakang follow-up at hot-pursuit operation sa mga karatig bayan ng probinsiya.

Bandang 5:40 ng umaga ng October 30 ay naaresto ang suspek sa Bgy. Halayhay sa Pililla, Rizal, matapos masangkot sa banggaan sa isang tricycle na naging sanhi ng dalawang pasaherong lulan ng huling sasakyan.

Sa mabilisang aksyon ng mga kapulisan ay narekober sa lugar ang naturang taxi at agad naaresto ang suspek.

Nahaharap sa kasong robbery with carnapping, reckless imprudence resulting to multiple injuries and damage to property ang suspek na nakapiit sa himpilan ng Angono Custodial Facility habang inihahanda ang mga papel sa pagsasampa ng kaso at inquest proceedings.