Calendar
Suspek sa pagpatay ng kapitbahay huli matapos ang 2 taon
NABITAG ng mga operatiba ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4 ang isang suspek na nagtago ng dalawang taon matapos makapatay ng kapitbahay sa Calamba St., Sampaloc, Manila noong Lunes.
Sa ulat ni Police Lieutenant Col. Brillante Billaoac, station commander ng Sampaloc Police Station, bandang alas-7:45 ng gabi ng damputin ang suspek na si alyas Jeric, 29.
Natiklo siya sa warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 12 ng Manila.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, pinaslang ng suspek ang kapitbahay nito sa nabanggit na lugar.
Nagsimula ang insidente nang suntukin ng biktima ang pamangkin ng suspek matapos aksidenteng mabangga ng bata ang biktima habang naglalaro ito.
Nag-init ang ulo ng biktima kaya nasuntok sa ulo ang bata na agad naman nagsumbong sa kanyang ama.