Suspek

Suspek sa panghahalay nasakote

Edd Reyes Feb 2, 2025
10 Views

BAGSAK sa kamay ng pulisya ang lalaking akusado ng panghahalay sa bebot niyang kainuman sa Las Piñas City noong Sabado.

Pinangunahan ni Las Piñas Police Chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang pagsalakay sa tirahan ng suspek na si alyas Bebhe, 33, dakong alas-11:00 ng umaga sa Brgy. Talon 1.

Nasungkit ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Judge Victor Ramirez Aguba ng Branch 255 para sa kasong rape by sexual assault.

Pwedeng lumaya pansamantala ang suspek kung makakapag-piyansa ng P120,000.

Nangyari ang panghahalay ni alyas Bebhe sa bebot noong Oktubre 4, 2024 sa loob mismo ng bahay ng akusado sa Brgy. Talon 1.

Nag-inuman umano ng alak ang dalawa at nang malasing na ang biktima, doon na ginawan ng kahalayan ng akusado ang kawawang biktima.