Parañaque

Suspek sa panghahalay nasakote sa Parañaque

Edd Reyes Mar 16, 2025
20 Views

NAHULOG sa kamay ng batas noong Sabado sa Paranaque City matapos ang mahigit dalawang taon ang 47-anyos na obrero na suspek sa kasong panggagahasa.

Natunton ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Manuel Abrugena si alyas Joebert dakong alas-7:50 ng gabi.

Isinilbi sa kanya ng mga tauhan ni City Police Chief P/Col. Melvin Montante ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Gemalyn Faunillo Tarol ng Branch 76 para sa dalawang bilang ng paglabag sa Anti-Rape Law.

Ayon kay BGen. Abrugena, dahil sa bigat ng kasong kinakaharap ng akusado, walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nakapiit ngayon sa custodial facility ng Parañaque police ang akusado habang hinihintay pa ang kautusan ng hukom para sa kanyang pagbiyahe sa Iloilo matapos maibalik ang warrant sa korte.