Calendar

Suspek sa panghahalay sa menor de edad sumuko
SUMUKO ang isang akusado ng panghahalay sa menor-de-edad na dalagita bago pa mahuli ng mga pulis noong Miyerkules sa Caloocan City.
Pumunta sa Bagong Barrio police sub-station-5 sa G. De Jesus St. at Malolos Avenue, Brgy. 146 sa Caloocan City si alyas RJ, 32, dakong ala-1:32 ng hapon upang isuko ang kanyang sarili.
Inilagay na siya ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes sa mga most wanted persons sa lungsod matapos akusahan ng panggagahasa ng menor-de-edad na biktima.
Nahuli siya sa tulong ng warrant of arrest galing kay Navotas Family Court Presiding Judge Cecilia Bunagay-Parallag ng Branch 1 para sa kasong qualified rape of a minor.
Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, hepe ng Northern Police District, ang mga tauhan ng sub-station-5 sa pagproseso sa boluntaryong pagsuko ng akusado.