Hot News

Suspek sa putukan sa Senado nasa kustodiya na ng SPD

93 Views

SuspekNASA kostodiya na ng Southern Police District (SPD) ang suspek na nagpaputok ng baril sa kasagsagan ng kaguluhan sa Senado Miyerkules ng gabi.

Naaresto ang 44-anyos na si Mel Oragon na voluteer ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsisilbi ring volunteer at kabilang sa force multiplier ng kawanihan.

Ayon sa SPD, nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon upang makakalap ng ebidensiya at makabuo ng kasong isasampa laban sa suspek.

Maaaring mahaharap sa patong-patong na reklamo si Oragon kabilang ang alarm and scandal, grave threat, direct assault, at maging sa paglabag sa security regulation.

Batay sa nakalap na impormasyon, nakaupo lamang si Oragon, kasama ang isang security personnel ng Government Service Insurance System (GSIS) sa lugar na nag-uugnay sa gusaling inookupa ng Senado nang umano’y paputukan ni Acting Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, hepe ng Office of the Senate Security.

Gumanti umano ng putok si Oragon na dahilan upang lumikha ng labis na takot at kaguluhan sa gusali ng Senado.

Nauna ng sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na tinugunan lamang nila ang liham ni GISIS President Wick Veloso na bigyang seguridad ang kanilang gusali kaya’t nagpadala siya ng ilang mga tauhan sa naturang lugar.