Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Suspek sa shabu, boga nakalawit sa Urdaneta

Anchit Masangcay Mar 11, 2025
60 Views

HALOS P3.570 milyong halaga ng shabu at isang baril ang nakumpiska sa drug suspek na nalambat ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa buy-bust sa Urdaneta City, Pangasinan noong Martes.

Ayon kay PDEA Region 1 Director Joel B. Plaza, nahuli ang suspect na may alias na Odi, 57, bandang alas-2:35 ng umaga at na-recover sa kanya ang halos 525 na gramo ng shabu, isang kaliber .45 pistol, pitong bala at at buy-bust money.

Ang cellphone na gamit ng akusado sa pakikipag-transaksyon sa undercover agent nakumpiska din ng mga tauhan ng PDEA.

Ang suspek mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013).