DOLE

Taas-sahod sa NCR tuloy kahit may apela—DOLE

144 Views

MATUTULOY umano ang pagpapatupad ng dagdag na P40 sa arawang minimum wage sa pribadong sektor sa National Capital Region kahit pa mayroong naghain ng apela.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang inaprubahang pagtataas ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ay magiging epektibo sa Hulyo 16.

Noong Hulyo 3, naghain ng apela laban sa pagtataas ng sahod ang Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organization, Labor Alliance for National Development, Gabay ng Unyon sa Telekomunikasyon at Serbisyo, Pinagkaisang Lakas ng Manggagawa ng Manila Bay, at mga kaalyado nilang grupo.

Ayon sa mga naghain ng apela kulang ang P40 dagdag sa arawang sahod. Iginit nila na ang family living wage sa NCR ay P1,161.

Mula sa P570 kada araw, ang minimum na sahod sa NCR ay magiging P610 para sa non-agricultural sector at mula P533 ay magiging P573 para sa agriculture sector, service and retail establishment na hindi lalagpas sa 15 ang empleyado at manufacturing establishment na hindi lalagpas sa 10 ang empleyado.