Leni

Tablado!

411 Views

‘Demolition jobs’ ni Leni tablado sa mainstream media

HALOS anim na linggo na lang bago ang halalan sa Mayo 9, napag-alaman na ang mga demolition job ni Leni Robredo ay hindi na kinakagat ng mainstream media, dahil sa kumpirmado na sinasadya ng mga kampon niya ang pagbibigay ng pawang kasinungalingan at mapanlinlang na mga impormasyon sa ipinapadala nilang mga praise release sa mga news desk.

Ito ang sinabi ng isang political media operator nang aminin na nahihirapan na ang ‘dirty tricks department’ ni Robredo ng makapagpalabas ng mali-mali at mga imbentong banat laban sa kanyang mga kalaban, dahil nakakahalata na at nagiging mas mapanuri ngayon ang mga editor.

Nabatid na lahat halos ng dyaryo ngayon ay hindi kinakagat ang pakiusap ni Robredo na ilabas ang kanilang mga gawa-gawang istorya laban kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at iba pang mga kalaban niya sa pagka-pangulo.

Batid umano ng ilang editors na pati ang kredibilidad nila ay nadadamay na rin dahil sa pagpapakalat ng fake news ng Robredo camp.

Ang mga pumapatol na lang ngayon sa mga pekeng balita ni Robredo ay ang mga tinatawag na yellow media.

“Masyado kasing hard sell ang mga anggulo nila. Lahat na lang fake news. Fake na nga yung mga number of supporters na dumarating sa kanilang concert event, pati ba naman yung totoong photos sa rally ni BBM ay papalabasin nilang peke, gayung may live feed videos iyon sa Facebook kaya napapahiya sila. Pati ang credibility ng media, nadadamay,” sabi pa ng media operator.

Bukod dito, katakut-takot na batikos din ang inaabot ng mga media mula sa mga netizens sa tuwing nabubuko na puro fake news ang ipinalalabas ng kampo ni Robredo.

“Matatalino na ang tao ngayon. Lalo ang netizens kaya bago pa lumubog nang husto ang newspaper, minabuti ng mga editors na huwag nang tanggapin ang mga inilalakong fake stories ng Robredo camp,” dagdag pa niya.

Kung matatandaan, maging mga financiers ay nag-aatrasan na rin ngayon para pondohan pa ang kandidatura ni Robredo.

“Sa madaling salita, sumisikip na mundo ng kampanya ni Robredo. Papalubog na ang barko ng pinklawan na punung-puno ng pamemeke, pandaraya at kasinungalingan ang karga,” sabi pa ng operator.