Bagyo

Tag-ulan panahon ng pasasalamat sa biyaya, pagtulong sa nangangailangan

Helen D. Prado Jul 22, 2025
267 Views

ANG tag-ulan para sa ilan, isang maginhawang panahon. “Cuddle weather,” sabi nga nila.

Ang init ng sabaw, ang lambot ng kumot at ang kalmadong ulan nagbibigay ng kapanatagan at oras para sa pagninilay.

Isang panahon ng pahinga at pagpapahinga. Ngunit sa kabilang banda, ang tag-ulan pahirap sa marami nating kababayan.

Para sa mga walang matibay na tahanan, ang ulan ay isang banta; ang basang karton, ang tumutulong bubong at ang baha ay nagpapaalala sa kanilang kahirapan.

Ang mga naglalako sa kalye, ang mga estudyante at ang mga stranded na commuters nagtitiis sa lamig at panganib.

Ang kanilang pagsisikap na kumita ay mas naging mahirap dahil sa ulan.

Para sa mga magsasaka, ang tag-ulan ay maaaring mangahulugan ng pagkabulok ng ani at pagkalugi.

Ang mga mangingisda nag-aalala sa kanilang kaligtasan dahil sa malalakas na alon.

Ang kanilang kabuhayan, na umaasa sa lupa at dagat, ay lubhang naapektuhan.

Sa bawat lagok ng mainit na sabaw, alalahanin natin ang mga nangangailangan.

Ang tag-ulan ay hindi lamang isang panahon ng pagsubok, ito rin ay isang paalala na maging mapagkalinga at maging payong sa ating kapwa.

Magpasalamat tayo sa ating mga biyaya at tulungan ang mga nangangailan.

Ang lahat ng ito ay saloobin ni butihing ex-mayor ng Calapan,Mayor Malou Morillo na kahit wala na sya sa serbisyo ay patuloy pa rin sa pagtulong sa mga kababayan.