Minister Lin Taiwanese Minister of Foreign Affairs Lin Chia-lung Larawan: Minister Lin/Facebook

Taiwan pinalawig visa-free para sa mga Pilipino hanggang 2026

17 Views

PINALAWIG ng Taiwan ang kanilang visa-free entry program para sa mga may hawak ng Philippine passport hanggang taong 2026.

Inanunsyo ni Taiwanese Minister of Foreign Affairs Lin Chia-lung ang isang taong ekstensyon sa pamamagitan ng kanyang social media account nitong Biyernes ng gabi, matapos niya itong ipahayag sa Philippine Independence Day reception na inorganisa ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei.

Kinumpirma rin ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Maynila na maglalabas ng opisyal na anunsyo ang Taiwan Ministry of Foreign Affairs sa darating na Lunes.

Unang isinama ang mga Pilipino sa pilot visa-free program ng Taiwan noong Nobyembre 2017, na nagpapahintulot sa mga Pilipino na manatili sa Taiwan nang hanggang 14 na araw kahit walang visa.