Andaya Pinarangalan ng PBA si People’s Journal Tonight/Taliba sports editor Ed Andaya. Photo by Ernie Sarmiento

Taliba sports editor Andaya pinarangalan ng PBA

15 Views

PINARANGALAN ng Philippine Basketball Association (PBA) si People’s Journal Tonight/Taliba sports editor Ed Andaya bilang isa sa 24 pangunahing sportswriters na nakapag-ambag sa tagumpay ng pro league sa una nitong 50 taon.

Kasama si Andaya, na nagsimulang magsulat sa PBA simula pa nung 1985, ng 23 iba pang respetadong manunulat na pinarangalan kasabay ng PBA 50 Greatest: The Anniversary celebration sa Solaire North nyng Aprl 11.

Ang selection committee ay pinangunahan nina PBA Commissioner Willie Marcial at Chairman Ricky Vargas.