tamayo Tumramgko si Carl Tamayo sa fourth quarter para sa UP. UAAP photo

Tamayo nagbida sa panalo ng UP vs La Salle

Theodore Jurado May 7, 2022
248 Views

BUMANGON ang University of the Philippines mula sa 14 puntos na pagkakalugmok upang talunin ang La Salle, 78-74, at maisayos ang Finals duel sa Ateneo sa UAAP men’s basketball Final Four decider kagabi sa Mall of Asia Arena.

Nagpakawala si first-year big man Carl Tamayo ng 12 sa kanyang 19 points sa fourth quarter upang pamunuan ang Fighting Maroons sa pagsukbit ng ikalawang championship appearance sa huling tatlong three seasons.

Nagbigay si Tamayo ng huling pitong puntos ng UP, kabilang ang three-point play upang bigyan ang kanyang koponan ng to 76-74 kalamangan, may 21.5 segundo sa orasan.

Tinangka ng Green Archers na makatabla sa sumunod na possession, subalit nagmintis ang floater ni Evan Nelle at nakopo ni Tamayo ang kanyang ika-10 rebound.

Ang dalawang free throws ni Tamayo mula sa foul ni Nelle ay siyang nagselyo sa panalo ng foul Maroons, may 7.6 segundo ang nalalabi.

Tumapos rin si Malick Diouf ng double-double na 14 points at 17 rebounds, habang nag-step up si Harold Alarcon na may 14 markers sa reserve role para sa UP.

Magtatagpo ulit ang title-starved Maroons at ang four-peat seeking Blue Eagles sa best-of-three Finals bukas. Ang UP ang nagpalasap sa unang pagkatalo ng Ateneo sa season, na siyang nagwakas ng matinding 39-game winning streak.

Masakit ang pagkatalo ng La Salle, na nakalayo na sa 70-56 sa 7:07 mark sa pamamagitan ng fadeaway ni Justine Baltazar.

Nanlamig bigla ang Archers at nakatabla na anh Maroons sa 73-73 sa huling 1:30 mula sa lay-up ni Tamayo.

Huling lumamang ang La Salle, 74-73, may 32.3 segundo ang nalalabi matapos mag-split si Mike Phillips split sa foul line.

Nagtala si Schonny Winston ng 26 points habang nagdagdag si Mark Nonoy ng 11 points at tatlong assists para sa Archers, na tumapos na may bronze – ang pinakamataas na pagtatapos magmula nang pumangalawa noong 2017.

Iskor:

UP (78) — Tamayo 19, Diouf 14, Alarcon 14, Rivero 12, Abadiano 7, Cagulangan 6, Spencer 5, Lucero 1, Ramos 0.
DLSU (74) — Winston 26, Nonoy 11, M. Phillips 10, Baltazar 9, Nelle 6, Manuel 4, Nwankwo 4, Lojera 2, Austria 2, B. Phillips 0.
Quarterscores: 15-22, 39-44, 51-64, 78-74