Panelo

Tanging ang BBM-Sara tandem lang ang nananawagan ng pagkakaisa—Panelo

564 Views

TANGING ang tandem nina UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nitong si vice presidential candidate Sara Duterte ang nananawagan ng pagkakaisa para sa bansa.

Kaya naman napabilib nila si dating Presidential spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na kumportable siyang kasama ang dalawa dahil sa tatlong dahilan—hindi umano sinisiraan ni Marcos si Pangulong Duterte bagkus ay pinupuri pa nito ang kanyang mga magagandang nagawa.

Pangalawa umanong dahilan ang kanilang panawagan ng pagkakaisa upang masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino at magtulungan para sa kabutihan ng bansa.

Sinabi ni Panelo na nangako rin ang dalawa na itutuloy ang mga reporma at programa ng Duterte administration.

“Kinakailangan po talaga na iluklok natin sa pamunuan ang mga tao na hindi lang malapit kay Mayor Duterte na ngayon ay Presidente kung hindi ‘yung mga taong nagko-commit o nagsusumpa na itutuloy nila, sapagkat pag hindi po natin tinuloy ang pagbabagong sinimulan ni Presidente Duterte, babalik na naman tayo sa suliranin ng bansa,” dagdag pa ni Panelo.

Sumama si Panelo sa pangangampanya ni Duterte sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.