Calendar

Tanod nagpapogi pero sawi; nagpaputok, huli
INARESTO ang barangay tanod na nagwala at nagpaputok ng baril dahil napahiya ng makipag-kilala sa isang 21-anyos na babae sa Brgy. 275, Binondo, Manila noong Martes.
Nakilala ang suspek na si alyas Aniel, 36, at si alyas Keana ang bebot na gustong makilala ng suspek.
Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Ferdinand Omli kay Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, station commander ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District, bandang alas-3:24 ng madaling araw nagpaputok ng baril ang suspek.
Katatapos lang kumain ng dalaga kasama ang kaibigang lalaki sa Gate 56 sa Binondo ng magpakilala ang suspek, nagtanong ng pangalan at saan nakatira ang bebot.
Sa kasamaang palad, hindi siya pinansin ng biktima kaya napahiya ang suspek ng talikuran ng dalaga.
Mga ilang saglit pa umalingawngaw ang putok ng baril kaya rumesponde sina Police Staff Sergeant Dominic Viola at Police Corporal Michael Arthur Kapalungan at naaresto ang tanod
Nakuha sa kanya ang cal .45 pistol na may apat na bala at isang magazine.
Nahaharap ang tanod sa kasong paglabag sa Article 254 ng Revised Penal Code (Illegal Discharge of Firearms).