bro marianito

Tapatan ng kabutihan ang kasamaan

318 Views

Ang karahasan ay tapatan Natin ng pag-ibig at kahinahunan (Mt. 5:38-42)

BASE sa batas, kultura at tradisyon ng mga Judio, mahigpit Nilang ipinapatupad at pinaiiral ang tungkol sa paghihiganti o “mata sa mata” at ngipin sa ngipin”.

Ang ibig sabihin nito ang masamang ginawa sa iyo ng iyong kapwa ay kailangan mo rin tapatan ng kahalintulad na kaparusahan.

Kapag ikaw ay sinaktan kailangan mo rin saktan ang gumawa sa iyo ng masama.

Ito ay kung pagbabatayan Natin ang batas na pinaiiral ng mga Judio. Subalit iba ang batas na nais ipairal ng Ating Panginoong Hesu-Kristo sa Mabuting Balita ngayon (Matthew 5:38-42).

Nang ituro ni Jesus sa mga tao na: “Ngunit ito naman ang sinasabi ko. Ibigin Ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin Ninyo ang mga umuusig sa inyo”.

Taliwas sa katuruan ng mga Judio. Ang nais ni Kristo ay tapatan Natin ng kabutihan ang kasamaang ginawa sa Atin ng Ating kapwa.

Sa halip na gantihan Natin ang isang taong nang-api sa Atin, ang taong nanakit at umagrabyado sa Atin para makamit Natin ang hustisya.

Ang nais ni Jesus ay pag-ibig, pang-unawa at kahinahunan ang Ating isukli at iganti sa anumang masamang bagay na ginawa ng taong ito laban sa Atin.

Ang paghihiganti ay hindi sa pamamagitan ng “mata sa mata o ngipin sa ngipin” o ang pisikal na paghihiganti.

Kundi ang paghihiganti sa pamamagitan ng Ating pag-ibig, pagpapa-ubaya at pagpapatawad.

Ano na lamang ang mangyayari sa isang bansa at sa isang Lipunan kung sa bawat kaapihan ay agad agad mong tatapatan ng karahasan?

Ano na lamang ang magiging kalagayan ng tao na sa oras na maagrabyado Siya o kaya ay masaktan.

Ang karahasan o paghihiganti agad ang gagamitin Niyang solusyon para lapatan ng lunas ang Kaniyang kaapihan.

Ang “culture of violence” ng isang Lipunan ay nag-uugat sa pagpatay at paghihiganti.

Dahil mistulang kultura na kapag ikaw ay sinampal sa kaliwang pisngi ay kailangan mo rin sampalin sa kanang pisngi ang iyong kaaway o mas higit pa. Minsan ang tapang ng tao ay walang katuturan.

Sapagkat kaya lamang Siya nagiging matapang ay dahil kayang kaya Niyang duruin, takutin at sindakin ang Kaniyang kaaway na mas mahina kaysa sa Kaniya.

Nagiging matapang lamang Siya dahil ang taong tinatakot, sinisindak at dinuduro Niya ay walang kakayahang makalaban sa Kaniya.

Ganitong ganito ang naging sitwasyon sa karumal-dumal na krimeng naganap noong araw sa lalawigan Tarlac na nag-viral sa social media.

Marahil kaya lamang matapang ang isang tao ay dahil siya ay nasa kapangyarihan.

Kaya lamang naging matapang ang taong ito ay dahil sa Kaniyang baril. Subalit sa Ating Ebanghelyo. Masasabi ko, na ang taong totoong matapang ay iyong umiiwas sa gulo, nagpapakumbaba at sinusuklian ng kabutihan ang kasamaang ginawa sa Kaniya ng Kaniyang kapwa.

Ang taong totoong matapang ay may pananampalataya sa Diyos, may paninindigan at marunong tumanggap ng Kaniyang mga pagkakamali.

Ang nais ituro ng Panginoong Jesus sa Ating Pagbasa ay hasikan Natin ng pag-ibig ang bawat karahasan sa pamamagitan ng kahinahunan at pang-unawa.

AMEN