BBM3 Source: File photo

Target ni Pangulong Marcos: Maipamahagi .8M titulo ng lupa

Chona Yu Aug 21, 2024
74 Views

TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maipamahagi ang may 800,000 titulo ng lupa bago mataos ang termino sa 2028.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella, mabilis na ang proseso ngayon sa pamimigay ng titulo.

“Until 2028 mero pang mahigit 800,000 hectares kami na ipamimigay so roughly mga siguro a little less than 800,000 titles iyon. which dahil na diskubre na namin kung papaano. nakabuwelo na tayo. palagay ko, God willing, kung pagkatapos ng term ng ating Pangulong Marcos, maipamimigay natin lahat iyon,” pahayag ni Estrella.

Ayon kay Estrella, sa loob ng taong ito, nasa 100,000 ektaryang lupa ang ipamamahagi sa mga magsasaka.

Kumpiyansa si Estrella na dahil sa programa ng Pangulo, tataas pa lalo ang produksyon ng mga magsasaka.

Ibinida rin ni Estrella na sinimulan na ng DAR ang pamamahagi ng certification of condonation.