Martin1

Tauhan ng BFP gawing medical first responders– Speaker Romualdez

284 Views

BINIGYANG-DIIN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan na maging mga medical first responder ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang mas maraming buhay ang masagip ng mga ito.

“In emergency situations like a fire, an earthquake or a road accident, BFP personnel are often, if not always, the first responders. They have to have adequate basic medical training to assist and save victims,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos na aprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 6512 na nakakuha ng 236 boto.

Inihalimbawa ni Romualdez ang kaso ng isang American football player na nag collapse habang naglalaro matapos makaranas ng cardiac arrest at huminto sa pagtibok ang puso nito.

Agad na binigyan ng mga first responder ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang manlalaro bago ito nadala sa pagamutan.

Ayon sa mga doktor kung hindi nabigyan ng CPR ang manlalaro ay maaari itong namatay.

“Ideally, that is the emergency response we want to achieve with the required certification and training for our BPF-EMS personnel under House Bill No. 6512,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Aamyendahan ng panukala ang Section 4 ng Republic Act (RA) No. 11589 o ang Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act. Ang HB 6512 ay pangunahing akda ni Antipolo City Rep. Romeo Acop.

Sa ilalim ng panukala, ang mga papasok na bumbero ay kailangang makatapos ng Fire Basic Recruit Course (FBRC) na bukod sa kaalaman kaugnay ng pagpatay ng apoy ay may kasamang advanced first aid at emergency first response.”

Ang BFP sa tulong ng Department of Health, Technical Education and Skills Development Authority at Local Disaster Risk Reduction and Management Office, ang gagawa ng training program.

Ang mga nakapasok ng bumbero bago pagsasabatas ng panukala ay bibigyan ng limang taon para tapusin ang naturang training na ibibigay ng libre ng BFP.

Ang mga bumbero na 15 taon na sa serbisyo ay exempted naman sa naturang requirement.