Vic Reyes

Taumbayan natuto na ukol sa walang buting dulot ng firecrackers

Vic Reyes Dec 8, 2024
43 Views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mga mambabasa, lalo na diyan sa Japan.

Binabati natin sina Teresa Yasuki, La Dy Pinky, Mama Aki, Vina Gabriel, Ana Ikeda(kapatid ni Mama Aki ng Ihawan) Hiroki Hayashi , Chef Alvin dela Cruz, Tata Yap Yamazaki, Erica Ompad, Stephen Palulay, at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joann de Guzman ng Oman.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan Mabuhay kayong lahat!

****

Nananatiling malaking problema ang ismagling sa Pilipinas, isang bansang binubuo ng mahigit pitong libong isla at islets.

Maging ito man ay technical smuggling o outright smuggling.

Kung saan-saan nasasakote ng mga otoridad ang mga kontrabando, kasama na ang mga sigarilyo at ibang tobacco products.

Kadalasan ay nakasakay sa barko at motorized banca ang mga undocumented cigarettes. Ang iba naman ay nai-intercept sa mga checkpoint.

At noong Nobyembre 21 ay naka-intercept ang isang composite team ng mga puslit na sigarilyo sa sea waters ng Barangay Marigondon, Pio Duran, Albay.

Ang composite team ay binubuo ng Bureau of Customs (BOC), Phiippine National Police (PNP), Regional Maritime Unit 5, at Maritime Law Enforcement Team (MLET).

Ang kontrabando, na nagkakahalaga ng mahigit na P21 milyon, ay sakay ng motorized banca na nagngangalang “Susie.”

Ang siyam na tripulante ng motorized banca ay nabigong magpakita ng legal import documents.

Sa katunayan, walang mga revenue seal ang mga cigarette packages, “as clear evidence that the cigarettes were not paid taxes.”

Mag-iisyu ng warrant of seizure and detention (WSD) ang BOC laban sa mga sigarilyo dahil sa paglabag sa RA No. 10863 at RA No. 8424 o National Internal Revenue Code of the Philippines.

Sinabi ni District Collector Guillermo Pedro Francia IV na tuloy-tuloy ang kampanya laban sa lahat ng klase ng ismagling sa lugar.

Ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos at Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na parehong taga-ilocos Norte.

Alam nina Presidente Marcos at Commissioner Rubio na perhuwisyo sa bayan ang iligal na pagpasok ng mga produkto sa bansa.

Lalo na ang iligal na droga at produktong agrikultura, kasama na ang bigas, mais, gulay, isda at frozen na karne.

****

Tatlong linggo na lang ay matatapos na ang taong 2024.

Kaya obligado ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa buong bansa na magtrabaho ng husto.

Napakalaki ang kanilang kokolektahing buwis at taripa para maabot man lang ang kanilang collection target na P1 trilyon.

Pero maraming waterfront stakeholders ang naniniwala na hindi lang maaabot kundi malalampasan pa ng BOC ang target.

Nandiyan pa ang mga abandonado at kumpiskadong shipments na ipagbibili sa pamamagitan ng public auction.

Ang kailangan lang ay isubasta na ang mga shipment na ito at baka ma-pilfer pa o manakaw pa ang mga ito.

Tama ba kami, Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio?

****

Nakatutuwa naman at wala pang mga nagpapaputok ng mga rebentador kahit ilang araw na lang ay Pasko at Bagong Taon.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Natuto na ang taumbayan.

Walang buting idudulot ang pagpapaputok ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices.

Gastos lang ito at baka madisgrasya pa sila sa paggamit ng mga paputok.

At malamang takot na rin ang mga firecracker manufacturers. Mahigpit ngayon ang mga otoridad na handang kasuhan ang mga lumalabag sa batas.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa # +63 9178624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)