Belmonte

Team Belmonte 68% sa QC

233 Views

SI Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, na naghahangad na muling mahalal, ay nananatiling “unbeatable”, na tumatanggap ng 68 porsiyento ng suporta ng mga botante sa pinakahuling RP-Mission and Development Foundation Incorporated poll. Si Congressman Mike Defensor, isang challenger, ay nakatanggap ng 30% ng boto sa mayoralty race.

Sa karera para sa Vice Mayor, “neck-to-neck” ang labanan sa pagitan ni City Councilor Winnie Castelo (53%) at incumbent Vice Mayor Gian Sotto (46%).

Si Arjo Atayde, isang celebrity na tumatakbo para sa isang congressional seat sa District 1, ay may 51 percent vote lead kay Cong. Onyx Crisologo, na nakatanggap ng 48 porsiyento ng mga boto.

Mahigpit naman ang labanan sa District 2 nina Cong. Precious Castelo na nakakuha ng 52% laban kay Ralph Tulfo na may ng 47% para sa pwesto sa kongreso.

Tumaas naman “significantly” ang suporta ni City Councilor Franz Pumaren (44%) at humahabol kay incumbent Congressman Allan Reyes na may 55% sa District 3. Nanatiling balwarte naman ni Congressman Bong Suntay ang District 4 na may 62% score laban sa challenger na si Marvin Rillo na nakakuha lamang ng 37%.

Nangunguna si City Councilor Patrick Michael (PM) Vargas na tumatakbong Congressman sa District 5 na may 67% laban sa Pharmally linked scandal na si Rose Nono Lin na nakatanggap ng 30% at dating Congresswoman Annie Susano na nakakuha ng 1% rate. Pinataob naman ni City Councilor Marivic Co-Pilar na may 72% points si ex. Congressman Bingbong Crisologo na tinalo ni Mayor Belmonte sa nakaraang eleksyon at ngayon ay tumakbo sa pagka-Congressman ay nakakuha ng 20%.

Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD, ang survey na “QC Boses ng Bayan: Halalan 2022” na ginanap nuong March 15-22, 2022 ay isang independent at non-commissioned survey na may kabuuang 5,500 rehistradong botante bilang mga respondent na random na pinili na tinanong, “Kung ang halalan ay gaganapin ngayon, sino ang iboboto mong Mayor/Vice Mayor/Congressman?”