Villanueva

Ten Commandments sa mga paaralan iminumungkahi sa mauupong Kalihim ng DepEd

Mar Rodriguez Jul 1, 2024
104 Views

𝗕𝗔𝗚𝗔𝗠𝗔’𝗧 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮 𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗵𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗵𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱) 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘆 𝗶𝗺𝗶𝗻𝘂𝗺𝘂𝗻𝗴𝗸𝗮𝗵𝗶 𝗻𝗮 𝗻𝗶 𝗖𝗜𝗕𝗔𝗖 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 “𝗕𝗿𝗼. 𝗘𝗱𝗱𝗶𝗲” 𝗖. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝘂𝗲𝘃𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘂𝘂𝗽𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗮𝗵𝗲𝗻𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆 𝗼 𝗽𝗮𝗴-𝗱𝗶𝘀𝗽𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗴 “𝗧𝗲𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗮𝗻𝗱𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀” 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗶𝗯𝗮𝗱𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

Ginawa ni Villanueva ang naturang panukala makaraang ipahayag ni Pangulong Marcos, Jr. na malapit na nitong ihayag ang pangalan ng susunod na mamumuno sa DepEd kahalili ng nagbitiw na si Vice-President Inday Sara Duterte.

Ipinaliwanag ni Villanueva na imumungkahi niya sa mapipiling bagong Kalihim ng DepEd ang paglalagay ng Sampung Utos ng Diyos o Ten Commandments sa lahat ng eskuwelahan na naglalayong maisulong ang tinatawag na “spiritual at moral-well being” ng mga kabataang Pilipino na nakapaloob sa 1987 Philippine Constitution.

Sabi pa ni Villanueva, ang kaniyang panukala ay isang inisyatiba para tulungan ang mga paaralan na mapatatag ang moral fiber ng mga kabataan sapagkat ang mga eskuwelahan ay bahagi rin ng Simbahan na nagsusulong ng kagandahang asal para sa mga mag-aaral.

“I will propose to the new DepEd Secretary the posting of the Ten Commandments in our schools in order to promote the spiritual and moral-being of the Filipino youth as mandated by the Constitution. This is a fitting initiative for schools as complementary institution of the church in strengthening the moral fiber of our youth. I hope the incoming DepEd head will support its,” wika ni Villanueva.

Binanggit din ng kongresista ang isinasaad ng Bibiliya sa pamamagitan ng “Kawikaan 22:6” kung saan sinasabi ni Villanueva na: “That when we teach our children in their prime years the foundational values that make God-centered and humane citizens, they will live out those lessons throughout their lifetime”.

Naniniwala si Villanueva na sa pamamagitan ng pagdi-display o paglalagay ng Ten Commandments sa mga pribado at pampublikong paaralan. Mahuhubog ang mga kabataang estudyante sa kagandang asal at higit sa lahat ay mayroon silang takot sa Diyos.