Calendar
TESDA inudyok magsanay ng skilled workers
IPINAPANUKALA ng isang kongresista na kailangan itutok ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagsasanay ng mga “skilled workers” sa larangan ng manufacturing, agriculture at tourism para sa target na “job generation” ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sinabi ni Quezon City 5th Dist. Rep. Alfred Vargas na ilang industriya ang nagsisilbing “crucial” para magkaroon ng “economic recovery” ang bansa. Kung saan, kinakailangan aniya ng mga skilled workers para sa manufacturing, agriculture at tourism.
Aminado si Vargas na hanggang sa kasalukuyan ay mayroon parin “skills mis-match” sa paghahanap ng trabaho. Sapagkat hindi tugma sa pinag-aralan ng isang estudyante ang inaaplayan nitong trabaho. Kaya’t maraming Pilipino ang walang trabaho ngayon.
Ipinaliwanag ng Metro Manila solon na napakahalaga ng manufacturing, agriculture at tourism para sa papasok na administrasyong Marcos upang tugunan ang problema ng bansa. Kaugnay sa ‘unemployment” bunsod ng problemang idinulot ng COVID-19 pandemic.
“We need to align the needs of key industries like manufacturing. agriculture and tourism with the level of skills and training workers. These industries are important to the incoming administration’s goal of addressing the unemployment problems caused by the pandemic and revitalizing the economy,” sabi ni Vargas.
Ipinanukala din ni Vargas na dapat magkaroon din ng “skills partnership” sa pagitan ng TESDA at Local Government Unit’s (LGU’s) upang mas maraming Pilipino ang maisailalim sa pagsasanay bilang solusyon sa problema ng kawalan ng trabaho.