Calendar
TESDA, VM Chi nag-launch ng livelihood program para sa mamamayan
INILUNSAD ni Vice Mayor Chi Atienza ang programang pangkabuhayan katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Lunes ng hapon sa Manila City Hall.
“This was made possible by our mayor through the Minimum Basic Needs Program, kung saan isa roon ang employment,” pahayag ni Atienza.
Ayon sa bise alkalde, layunin ng kanilang administrasyon na turuan ang mga residente na huwag lang umasa sa ayuda kundo ang pagbibigay sa kanila ng mga kagamitan at paghubog sa kaalamang pangkabuhayan para masuportahan ang kanilang sarili.
“Instead of giving them fish, you teach people how to fish,” paliwanag ni Atienza.
Nakipag-ugnayan ang bise alkalde sa mga trainees mula sa iba’t-ibang distrito habang tinuturuan sila mag-bake ng banana bread gamit ng bagong oven at kinakailangang gamit na mula sa TESDA pati na ang pagtuturo ng kaalaman sa pagnenegosyo tulad ng packaging at online selling.
Sa oras na maging bihasa na ang mga trainees, sila naman ang magtuturo sa kani-kanilang barangay na isang mabisang paraan upang ang mga wala ng trabaho subalit may kakayahan pa tulad ng mga senior citizen at Persons with Disabilities (PWDs) ay kumita sa sarili nilang pagnenegosyo.

