Teves

Teves pormal ng tinanggal bilang miyembro ng Kamara

Mar Rodriguez Aug 17, 2023
228 Views

PAGKATAPOS ng mahaba at masusing deliberasyon ng House Committee on Ethics and Privileges kaugnay sa kasong kinasasangkutan ni suspended Negros Oriental 3rd Dist. Congressman Arnulfo “Arnie” A. Teves, Jr. Pormal nang tinanggal bilang miyembro ng Kamara de Representantes ang kontrobersiyal na kongresista matapos itong pagbotohan sa Plenayo ng Kongreso.

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na maituturing na “unprecedented” o ngayon pa lamang nangyari sa kasaysayan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mayroong natanggal na kongresista sa katauhan ni Congressman Teves na isinasangkot sa pagpatay umano kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong nakaraang taon.

Sa pamamagitan ng 265 votes at tatlong abstention. Pormal ng pinagtibay ang Committee Report No. 717 na iniharap ni COOP-NATCO Party List Congressman Felimon M. Esparez, Chairperson ng House Committee on Ethics and Privileges, sa Plenaryo ng Kamara de Representantes para pagbotohan.

Ang pinagbatayan ng recommendation ng Committee on Ethics ay ang tinatawag na “Disorderly behavior at violation” ni Teves sa Code of Conduct ng House of Representatives. Kasama dito ang di-umano’y pagpo-post ni Teves ng mga hindi kaaya-ayang larawan sa social media. Kabilang na dito ang pagsasayaw umano ng kongresista habang naka-suot ng sando at boxer shorts.

Subalit kabilang sa maaaring pinagbatayan ng Komite ay ang kabiguan ni Teves na dumalo sa mga session ng Kamara de Representantes na pangunahing tungkulin nito bilang isang mambababatas at kinatawan ng 3rd District ng Negros Oriental.

Ipinaliwanag naman ni Speaker Romualdez na unanimous ang naging desisyon ng mga miyembro ng Kongreso sa pagpapatibay sa Committee Report No. 717 na may katumbas na pinaka-mabigat na penalty sa pamamagitan ng expulsion o ang pangtatanggal sa kaniya bilang miyembro ng Kamara.

Samantala, sinabi naman ni Rizal 1st Dist. Congressman Michael John Duavit, pinuno ng House Contingent para sa Nationalist People’s Coalition (NPC), na tatalakayin ng NPC kung tatanggalin din ba nila o hindi bilang miyembro ng kanilang partido ang na-expel na si Congressman Teves.

Kinumpirma din ni Duavit na bumoto siya pabor para sa expulsion ni Teves. Sapagkat malinaw din aniya ang pinagbatayan ng desisyon ng Committee on Ethics kaugnay sa patuloy nap ag-absent ng kongresista sa Kongreso.

Ipinaliwanag ni Duavit na pag-uusapan munang mabuti ng kanilang partido ang issue tungkol kay Teves bago umano sila magkaroon ng pinal na desisyon patungkol dito para madinig nila ang opinion ng bawat kasapi ng NPC.