BBM1

Thai company nangako ng dagdag pamumuhunan sa PH

200 Views

NANGAKO ang Thai conglomerate na CP Group na magdaragdag ito ng pamumuhunan sa bansa partikular sa sektor ng aquaculture, bigas, at produksyon ng baboy.

Ginawa ng mga opisyal ng CP Group ang pangako matapos na makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bangkok, Thailand.

Ang CP Group ang pinakamalaking private company sa Thailand. Umaabot ng $2 bilyon ang investment nito sa Pilipinas.

Kabilang sa kanilang investment sa bansa ang Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation (CPFPC), na subsidiary ng Charoen Pokphand Foods Public Company Limited (CPF).

Itinayo rin ng kompanya ang isa sa pinaka-modernong aquaculture feed mills sa Bataan. Ginagawa rito ang mga pagkain ng tilapia, hito, bangus, at hipon.

Nangako naman ang Pangulo na lalong pagagandahin ang aquaculture industry sa bansa na makatutulong sa pagpaparami ng produksyon ng pagkain.