Bird

The Netherlands ipinagbawal pag-angkat ng domestic, wild bird mula The Netherlands

Cory Martinez Dec 12, 2024
65 Views

MULING pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga domestic at wild bird pati ang mga produkto nito na nagmula sa The Netherlands dahil sa karagdagang outbreak ng highly pathogenic avian influenza o bird flu sa naturang bansa.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng temporary importation ban na mapigilan ng pagpasok ng bird flu virus upang maprotektahan ang kalusugan ng lokal na poultry industry, na isang multi-billion-peso business na nagdudulot ng malaking investment, pagbibigay ng trabaho at nakakatulong sa katiyakan ng food security.

Sinabi ni Tiu Laurel, iniulat ng chief veterinarian ng Ministry of Agriculture, Nature and Food Quality ng The Netherlands’ Ministry of Agriculture, Nature and Food Quality na may karagdagang outbreak ng H5 subtype ng avian influenza noong Nobyembre 17 sa Putten, Gelderland na kung saan apektado ang kanilang domestic bird. Kinumpirma ng Wageningen Bioverterinary Research ang presensya ng bird flu virus.

Bilang emergency measure, inilabas ni Tiu Laurel ang Memorandum Order no.56, na nag-aatas sa Bureau of Animal Industry na suspendihin ang pagproseso at pag-isyu ng sanitary and phytosanitary import clearances para sa pag-aangkat ng mga domestic at wild bird mula sa The Netherlands, kabilang na ang mga poultry meat, day-old chicks, itlog at semilya na ginagamit sa artificial insemination.

Inatasan din ang lahat ng mga veterinary quarantine officers at inspectors sa bans ana kumpiskahin ang mga commodity na inangkat mula sa The Netherlands subalit hindi kasama ang mga nasa biyahe o dumating sa mga lokal na pantalan matapos na isyu ang naturang kautusan.

Para sa mga poultry product, kinakailangan na kinatay ang mga ito bago o noong Nob. 3 samantalang exempted naman ang mga heat-treated product sa import ban.