Thompson Ipinagmalaki ni Scottie Thompson ng Barangay Ginebra ng kanyang unang PBA Achievement Award. PBA photo

Thompson itinala ang kanyang unang PBA Achievement Award

Robert Andaya Nov 11, 2024
127 Views

NAITALA ni Scottie Thompson nf Barangay Ginebra ang kanyang kauna-unahang PBA Career Achievement Award matapos makuha ang kanyang 2,000 defensive rebounds sa nakalipas na Governors’ Cup finals.

Nakuha ng former MVP ang kanyang achievement award sa Game 4 ng title series matapos maka-hablot ng dalawang defensive rebounds para 2,001 career total.

Naging pinakamabilis sa naturang award ang dating player ng Perpetual Help University sa loob ng 42 years kasunod ni Ginebra legend Robert Jaworski, na unang nagtala ng accomplishment nung July 6, 1982 sa kanyang 381st game.

Nakamit naman ng 31-year-old na si Thompson ang career mark sa kanyang 385th game.

Binati nina PBA Commissioner Willie Marcial, PBA Chairman Ricky Vargas, San Miguel CorporationSports Director Alfrancis Chua, San Miguel team governor Robert Non, at NLEX counterpart Ronald Dulatre si Thompson

Si Thompson ang ika 64th player — at 60th local player — na nakakuha ng award, ayon kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III.