Calendar
Tiangco sang-ayon sa plano ng DA na palawakin Kadiwa Stores
SANGAYON si Navotas City Representative Toby Tiangco sa plano ng Department of Agriculture na palawakin pa ang Kadiwa Store sa pamamagitan ng posibleng pag-aalok ng prangkisa.
Ayon kay Rep. Tiangco, suportado niya ang mungkahing buksan ang Kadiwa Franchise Stores dahil makakahikayat ito sa pagunlad ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) sa bansa.
“We are optimistic that if the Department of Agriculture opens the initiative to cooperatives or even small- and medium-scale entrepreneurs, we can expand livelihood opportunities and even create jobs across the country,” sabi ng kongresista ng Navotas.
Ang pagpapalawak aniya ng operation ng Kadiwa Store ay magkakaloob ng oportunidad sa mga maliliit na negosyante at magbibigay pa sa mga mahihirap ng pangunahing produktong pagkain sa murang halaga.
“With the administration’s direction of improving food production in the country, this approach can provide an end-to-end initiative that can improve food production and sustainability and market access for goods of Filipino farmers while offering an effective mechanism to mitigate inflation,” sabi pa ni Tiangco
“I agree with Secretary Tiu Laurel’s statement that when President Bongbong Marcos took on the role of DA Chief at the start of his term, he was able to fully grasp the current situation of agricultural development in the country. This has led to numerous policies and programs which aim to modernize agriculture and improve food sustainability in the country,” dagdag pa niya.
Naniniwala si Tiangco na ang Kadiwa ay isa sa magiging haligi ng administrasyon sa programang pagpapagaan sa kahirapan sa oras na mabuksan ang prangkisa nito sa mga maliliit na negosyante.
“Napakalaki ng potential ng Kadiwa program na makapagbigay ng oportunidad na palakasin ang mga MSMEs sa bansa. Mahigit limang milyong trabaho ay nanggagaling sa mga MSMEs. If this initiative is implemented properly, it can create jobs, boost revenues, and more importantly, improve access to affordable commodities,” pahayag ni Tiangco
“Hindi lang s’ya maganda para sa lokal na ekonomiya, malaking ginhawa s’ya sa mga pamilyang Pilipino na nahihirapan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” dagdag pa niya.
Naniniwala ang kongresista na sa pamumuno ni Secretary Tiu-Laurel, ang ganitong inisyatiba ay magpapadali sa plano ng administrasyon para sa pagunlad ng MSME
“Nakikita naman natin na buong makinarya ng gobyerno ang pinapagalaw ni President Bongbong pagdating sa mga programang makakapagpaunlad sa mga Pilipino. I am certain that DA, under the Secretary Tiu-Laurel, will be innovative in its implementation of this initiative to ensure it is inclusive and instrumental to our goal of providing opportunities for Filipinos to progress,” sabi pa ng kongresista.
Nauna ng ini-anunsiyo ni Tiu-Laurel ang plano ng kanyang ahensiya na payagan ang mga kooperatiba at pribadong sektor na mangasiwa sa prangkisa ng Kadiwa stores upang tumaas ang bilang ng mga perpanenteng outlet nito sa buong bansa.