Diouf Umiskor si Malik Diouf ng Tiaong sa isang maksyong tagpo sa D2 Super Cup.

Tiaong, Siomai King magtutuos

Robert Andaya Jun 10, 2023
316 Views

MAGTUTUOS ang host Tiaong Meaksyon at Siomai King para sa kampeonato ng D2 Super Cup Invitational Basketball Tournament na itinataguyod ng Pilipinas Super League (PSL).

Pinabagsak ng Tiaong ang Manila City Stars,79-68, habang itinumba ng Siomai King ang San Antonio Bobcats, 90-71, sa hiwalay na semifinals matches sa Tiaong Convention Center.

Nagsanib pwersa sina Encho Serrano, Landry Sanjo at veteran Leo Najorda para umiskor ng 64 puntos at ihatid ang Siomai King sa finals.

Humugot si Serrano ng 25 puntos mula 8-of-22 shooting, siyam na rebounds at tatlong assists sa 33 minutes na aksyon.

Si Sanjo ay may double-double performance na 23 puntos,, 14 rebounds at tatlong blocks, habang si Najorda ay nag- ambag ng 16 puntos at pitong rebounds.

Nanguna si Totoy Ramirez para sa Bobcats sa kanyang 19 puntos, limang rebounds at apat na assists, kasunod si Alpha Ba na may 16 puntos at limang rebounds.

Sina Jhaselle Fresco at Isaac Danting ay may 15 at 11 puntos.

Sa second game, si Malik Diouf ay may monster game para sa home team Tiaong.

Si Diouf ay gumawa ng 18 puntos sa 7-of-18 shooting, at 17 rebounds sa 25 minutes.

Nag-ambag si Clint Escamis ng 17 points, seven assists, six rebounds, two steals and one block.

The scores:

First game

Siomai King (90) – Serrano 25, Sanjo 23, Najorda 16, Ojuola 9, Lojera 5, Olivares 4, Hubalde 3, Barua 3, Melegrito 2, Lanete 0
San Antonio Bobcats (79) – Ramirez 19, Ba 16, Fresco 15, Danting 11, Momowei 8, Montecillo 4, Maximo 3, Galman 2, Mahilum 1, Guevarra 0
Quarterscores: 24-11, 45-48, 72-62, 90-79

Second game

Tiaong Meaksyon (79) – Diouf 18, Escamis 17, Olago 15, Dalisay 14, Soriano 5, Cueco 4, Agustin 3, Garcia 3, Bonifacio 0
Manila City Stars (68) – Yu 18, Victor 16, Celada 9, Espuelas 7, Doroteo 3, Mendoza 3, Joven 3, Alcober 3, Monte 2, Esguerra 2, Madera 2, Arellano 0.
Quarterscores: 18-8, 36-32, 59-48, 79-68.