Cidu QCPD

Tigok na babae sa loob ng tsekot natagpuan

424 Views

NATAGPUANG patay sa loob ng nakaparadang kotse sa Quezon City ang isang babae noong Miyerkules.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), alas-4:10 ng hapon natagpuan ang bangkay ng biktimang si alyas Lucring sa loob ng itim na Toyota Wigo (CAQ 7155) na nakaparada sa Matahimik St., Brgy. Teachers Village West, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Javis Vergara, may narinig ang isang saksi na tunog mula sa loob ng kotse bandang alas-8:10 ng umaga.

Hindi niya pinansin ang kanyang narinig pero matagal nang nakaparada ang kotse.

Isang construction worker, si ayas Joey, ang napadaan sa lugar at napansin ang biktima sa loob ng sasakyan na tila hindi na gumagalaw kaya inireport niya sa mga pulis ang insidente.