Calendar
Timpuyog inilunsad sa SPD
INILUNSAD ng Southern Police District (SPD) ang “Timpuyog” na sistema ng pagpapatupad ng batas na walang hangganan na layong mapalakas ang pagtutulungan at palitan ng impormasyon ng kapulisan saan mang panig ng kapuluan.
Kasama ni SPD Director P/BGen. Rodel Pastor sa paglulunsad ng programa sina National Capital Region Police Office (NDRPO) Officer-in-Charge P/BGen. Christopher Abrahano, Deputy Regional Director for Administration P/BGen. Arnold Thomas Ibay at mga miyembro ng SPD Command Group noong Lunes sa n̈krandstand ng SPD sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Suportado ng inisyatiba ang pangunahing layunin ng programa ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,”
Ayon kay BGen. Pastor, ang implementasyon ng Timpuyog ay naka-angkla rin sa prinsipiyo ng kanilang TSAPA (Trustworthy, Service-oriented, Accessible, Professional, and Accountable.
“Through this initiative, we put into action the importance of working together beyond territorial boundaries,” bahagi ng talumpati ni BGen. Pastor.

